Hindi ko alam kung makulit ba ako o hindi pero nakakatuwa at Pinoy ako at nakakaintindi ako ng mga ganitong kakulitan. Kaya dahil gusto kong sumali sa pakulo na ito, eto ang rankings ko sa Top Humorous Blogs na napili ko:
Top 1: Xienahgirl – Siya daw ang isa sa mga pinakamagandang gurl na blogger. Bihira na kasi ang ganung species ngaun sa blogging world na maganda na, kwela pa. Kaya indi makakapagtakang lahat ng uri ng nilalang na gumagalaw na marunong mag-boot ng computer eh nahuhumaling sa mga sinusulat ng girl na ito. This is no other than Xienahgirl!
Top 2: Mr.D-Sa lahat naman ng matatanda eh ito na ata ang pinakamatanda na nakita ko sa list ng bloggers sa Pilipinas. Eyes can be deceiving ika nga pero magkagayunman eh nahuli naman nya ang kiliti ko sa Top 2 list.
Top 3: FerBert -Sa lahat ba naman ng name ng blog eh ito ang pamatay. Dito siya binansagan dahil siguro sa kaniyang kaugalian, malamang, joke lang. Hehehe. Isa siyang direktor ng mga indi films, indi-dapat panoorin, hehehe, pero dahil sa kanyang kahusayan at koneksyon, hanggang ngaun buhay pa rin ang blog nya. Kaya para sa akin, itong ang pangatlo listahan ko.
Top 4: Mariano -Isa sa seryosong blog, pero may kabuluhan. Matutuwa ka na may halong logic para matuto ka. May pagka-emo lang siguro na kaunti ang blog nito pero matutuwa ka sa mga sinusulat nya at pawang may kaalaman din. Kaya para sa number four na list ko, si Mr. Mariano!
Ayan, napagsama-sama ko na ang lahat ng boto ko. Alas dos na rin ng madaling araw bago ko ito natapos. Masaya dahil natutuwa ako sa mga nabasa ko. I hope manalo silang lahat. Hindi man ako manalo ng premyo, nakapag-dulot naman ako ng kaaliwan at parte ng buhay sa mga buhay na blogger na ito. Mabuhay kayong lahat!
// Willy David Jr